Teen Mental Health Survey - Tagalog
Teen Mental Health Survey - Tagalog
Ang survey na ito ay ginawa ng mga kabataan para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 19. Ang survey na ito ay makakatulong sa mga namumuno ng San Antonio Youth na magbigay ng suhestiyon tungkol sa pagpapabuti ng mental na kalusugan ng mga kabataan sa San Antonio. Lahat ng mga personal na impormasyon ay mananatiling kumpidensyal, na nangangahulugang hindi namin ibabahagi ang anumang personal na impormasyon na ibabahagi mo sa amin sa survey na ito.
Babala:
Ang sumusunod na survey ay naglalaman ng ilang katanungan sa mga sensitibong paksa tulad ng paggamit ng droga, pananakit sa sarili, at iba pang mga pagsubok sa mental na kalusugan kung saan maaaring hindi ka maging komportable. Malaya kang itigil ang survey anumang oras. Kung kailangan mo ng agarang tulong, nasa dulo ng survey ang mga maaaring makatulong sa iyo. Alam naming hindi madali ang pagiging bukas tungkol sa mga bagay na ito, at malaki ang pasasalamat namin sa iyong tapat na pagsagot sa bawat katanungan.
Kung ang survey na ito ay nakapaglabas ng anumang bagay na nais mong pag-usapan o kumuha ng walang panghuhusgang suporta, may mga taong nais tumulong sa iyo. Narito ang ilan sa mga libre at kumpidensyal na mapagkukunan ng tulong:
- Ang Crisis Text Line ay tumutulong sa mga kabataan para sa anumang uri ng krisis, nagbibigay sa kanila ng libre, 24/7, na emosyonal na suporta at impormasyon na kailangan nila gamit ang paraan na ginagamit na nila at pinagkakatiwalaan: ang text. I-text lamang ang “HOME” sa 741-741
Kung ikaw o ang kakilala mo ay nangangailangan ng agarang tulong sa mental na kalusugan, mangyaring tumawag sa 911 at hilingin ang kanilang Mental Health Response Team
Sino kami:
Ang San Antonio Youth Commission ay isang grupo ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan mula sa buong lungsod. Ang Project Worth Teen Ambassadors ay mga kabataan mula ika-7 hanggang ika-12 baitang na sumusuporta sa kalusugan ng mga kabataan sa komunidad sa pamamagitan ng pagboboluntaryo at pagbabahagi ng kanilang boses, pagkamalikhain, at mga ideya. Ang dalawang organisasyong ito ay katuwang ng Department of Humans Services at ng Metro Health.
Maraming salamat
Stage 1: Pakikipag-ugnayan sa Komunida
Open Date: March 8th, 2022
Close Date: April 10th, 2022
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan:
Jemm Morris
Department of Human Services
jemm.morris@sanantonio.gov