KCIA’s Airport Rules and Regulations webpage and Minimum Standards Update - Tagalog
KCIA’s Airport Rules and Regulations webpage and Minimum Standards Update - Tagalog
Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Update sa Mga Pinakamababang Pamantayan ng KCIA
Paano Makilahok
Ang opisyal na pampublikong komento ay magsisimula mula Oktubre 09 hanggang Nobyembre 22, 2024. Pampublikong komento na natanggap pagkatapos ng 5 p.m. (Pacific Daylight Time) sa Nobyembre 22, 2024, ay susuriin. Gayumpaman, maaaring hindi sila maidagdag sa rekord ng pampublikong komento
- Upang tingnan ang Huling Draft ng Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Update sa Mga Pinakamababang Pamantayan i-klik dito
- Isumite ang mga komento sa elektronikong paraan sa ibaba o sa: KCIACommunityOutreach@kingcounty.gov
- Ipadala ang sulat-kamay na mga komento sa:
King County Department of Executive Services – King County International Airport-Boeing Field
Attention: Matthew Sykora
7277 Perimeter Road South, Suite 200
Seattle, WA 98002
Update ng Proyekto
Noong unang bahagi ng 2023, sinimulan ng KCIA ang isang proseso upang i-update ang mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at mga dokumento ng Mga Pinakamababang Pamantayan sa Paliparan na naaayon sa mga regulasyon at patnubay ng Federal Aviation Administration (FAA). Nakakatulong ang mga dokumentong ito na matiyak ang kaligtasan ng mga nangungupahan at gumagamit ng paliparan at mga pagpapahusay ng detalye sa pangkalahatang operasyon, pamamahala, at pangangasiwa ng Paliparan. Inupahan ng KCIA ang Aviation Management Consulting Group (AMCG) upang i-update ang mga kasalukuyang dokumento ng KCIA bilang pagsunod sa mga regulasyon ng pederal, estado, at county. Ang mga elektronikong pormat ng mga na-update na dokumento ay magagamit upang tingnan sa ibaba ng webpage na ito sa ilalim ng Mga Kaugnay na materyales sa Paliparan. Ang isang listahan ng mga pangunahing pagbabago na na-update sa mga huling draft ay nakalista sa ibaba.
Kabilang sa mga pangunahing pagbabago sa mga dokumentong ito ang mga sumusunod na paksa:
Mga update sa Draft ng Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan
- Pahayag ng patakaran at awtoridad
- Paglilingkod sa sarili at mga ipinagbabawal na aktibidad
- Patakaran sa pagkakaiba-iba at pagtanggi
- Pagpapanatili at pag-iimbak ng pasilidad
- Pagpapanatili ng sasakyang panghimpapawid sa mga hangar (silungan ng mga eroplano)
- Hindi komersyal na flying club (samahan ng mga lumilipad)
- Pagdaan, palatandaan, pagsama
Mga update sa Draft ng Mga Pinakamababang Pamantayan sa Paliparan
- Pahayag ng patakaran at mga eksklusibong karapatan
- Mga kasunduan at mga binago
- Mga kinakailangan sa Permit ng Komersyal na Operator
- Mga inuupahang lugar at seguridad
- Tauhan at oras ng operasyon
- Mga lisensya at sertipikasyon
- Mga independiyenteng operator
Mga Pampublikong Pagpupulong
Ang mga nangungupahan sa paliparan at mga miyembro ng komunidad ay iniimbitahan na dumalo sa online o personal na pagpupulong sa Oktubre 30, 2024. Ang mga pagpupulong na ito ay magiging bahagi ng opisyal na panahon ng pagkomento sa publiko na magsisimula mula Oktubre 09 hanggang Nobyembre 22, 2024. Samahan kami upang malaman ang tungkol sa mga pangunahing pagbabagong ginawa sa Huling Draft ng Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Mga Pinakamababang Pamantayan at ibahagi ang iyong mga komento sa pangkat ng proyekto. Ang pagpupulong ay ire-rekord at magagamit online pagkatapos ng kaganapan. Magiging pareho ang presentasyon sa parehong pagpupulong.
Pagpupulong ng Nangungupahan sa Paliparan at Komunidad #3 (sa-personal at online)
Oktubre 30, 1 – 2 p.m.
Lokasyon: Flight Service Station, 6526 Ellis Ave. S.
Serbisyo ng bus: Hintuan ng bus #406022, Bus #60 at #124
Samahan kami para sa isang online na pagpupulong mula 5 – 6 p.m. | I-klik dito para magrehistro
Para humiling ng tagapagsalin ng wika o Simbolong Linguahe ng mga Amerikano sa mga pagpupulong, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa KCIACommunityOutreach@kingcounty.gov.
Nangungupahan sa Paliparan at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad
Noong Marso 9, 2023, nagsagawa ng dalawang pagpupulong ang pangkat ng proyekto upang ipaalam sa mga interesadong nangungupahan sa Paliparan at miyembro ng komunidad ang tungkol sa proyekto, para magbahagi ng timeline para sa pagrepaso at pag-update ng Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Mga Pinakamababang Pamantayan, at para mag-imbita ng mga tanong at komento. Ang mga pagpupulong ay ginanap nang personal at online. I-klik ang rekording ng online na pagpupulong sa ibaba.
Noong Marso 12, 2024, Nagdaos ang KCIA ng dalawang bertwal na Pagpupulong ng Nangungupahan sa Paliparan at Komunidad para magbahagi ng pagsilip sa mga update na ginawa sa Draft ng Mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Mga Pinakamababang Pamantayan. Ang pangkat ng proyekto ay nagbigay ng mga update, itinampok ang mga pangunahing pagbabago na ginawa sa draft na mga dokumento, at tumugon sa mga tanong at komento mula sa mga dumalo sa pagpupulong. Ang parehong rekording ng pagpupulong ay naka-link sa ibaba.
- Rekording mula Marso 9, 2023 Pampublikong Pagpupulong
- Rekording mula Marso 12, 2024 Pampublikong Pagpupulong: Sesyon 1
- Rekording mula Marso 12, 2024 Pampublikong Pagpupulong: Sesyon 2
Background
King County International Airport (KCIA) ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng King County. Ang KCIA ay napapailalim sa mga obligasyong Pederal sa pagitan ng County at ng FAA. Upang mapanatili ang mga obligasyong ito, binago at in-update ng KCIA ang Mga Panuntunan at Regulasyon ng Paliparan at mga dokumento ng Mga Pinakamababang Pamantayan sa Paliparan. Pinapahusay ng mga dokumentong ito ang pangkalahatang operasyon, pamamahala, at pangangasiwa ng Paliparan sa pamamagitan ng:
- Pagprotekta sa kaligtasan ng mga nangungupahan at mga gumagamit ng Paliparan:
- Pagpapaunlad at muling pagpapaunlad ng umiiral na pag-aari ng Paliparan;
- Pagsusulong ng mga de-kalidad na produkto, serbisyo, at pasilidad ng aeronautical;
- Binabawasan ang potensyal para sa salungatan sa mga nangungupahan at mga gumagamit sa Paliparan; at
- Pagbibigay ng plataporma para sa pagresolba ng mga reklamo.
Ang mga Panuntunan at Regulasyon sa Paliparan at Mga Pinakamababang Pamantayan sa Paliparan ay kinakailangang naaayon sa Mga Katiyakang ng FAA, mga patakaran, at mga direktiba at naaangkop na mga legal na kinakailangan na itinatag ng Estado ng Washington Kagawaran ng Transportasyon Dibisyon ng Abyasyon (WSDOT Aviation), ang County, at iba pang mga ahensya ng regulasyon.
Kaugnay na patnubay ng FAA ay matatagpuan sa mga sumusunod na link:
- Magbigay ng Mga Katiyakan (link): partikular na Magbigay ng Mga Katiyakan #19 Pagpapatakbo at Pagpapanatili, #22 Walang diskriminasyon sa Ekonomiya, #23 Mga Eksklusibong Karapatan, at #30 Mga Karapatang Sibil.
- Pagpapayong Sirkular 150/5190-6 Mga Eksklusibong Karapatan sa Mga Paliparan na Obligado ng Pederal (link)
- Pagpapayong Sirkular 150/5190-8 Mga Pinakamababang Pamantayan para sa Mga Komersyal na Aktibidad sa Aeronautical (link)
- Utos 5190.6B Pagbabago 2 Manual sa Pagsunod sa Paliparan (link)
Mga Kaugnay na materyales sa Paliparan:
Salamat! Mag-click dito upang malaman nang higit pa tungkol sa kung paano makisali sa KCIA